Ang Diyos ay kumikilos sa lahat ng bagay, sa bawat sitwasyon, at sa lahat ng panahon sa buhay natin. Maraming pangyayari sa ating buhay na hindi natin namamalayan na ang Diyos pala ay kumikilos. Bilang isang taga-sunod ni Kristo, tayo ay maging mapagmatyag sa Kanyang pagkilos upang makita natin ang kapangyarihan N'ya sa ating buhay, nagn sa ganon, tayo ay magpupuri at magpapasalamat sa Kanyang kadakilaan. Itong pagtuturo ni Pastor Rene Quiwa ay ni-record noong September 7, 2022 sa ating Prayer Meeting.